Si Ameli Maddox ay isang strong and independent woman na nag-aaral sa Elysian High. Wala siyang inuurungan na anumang laban. Well, except for the self-proclaimed badboy ng eskwelahan na si Cassius Del Llames. Allergic siya sa lalaking iyon at pakiramdam niya ay mababaliw siya kapag kausap niya ito. "I like you, Ameli." Napatampal sa kanyang noo si Ameli nang marinig ang sinabi ni Cassius. "Titigilan lang kita kapag binigyan mo na ako ng red card." Tanging ang SSG President lamang ng Elysian High ang may karapatang magbigay ng red card sa isang estudyante. Sa huling taon niya sa sekondarya ay hindi niya pa rin binibigyan ng red card si Cassius. Hindi niya alam kung wala lang siyang pakialam sa lalaki o ayaw niya lang na tigilan siya nito. Ngunit hindi lang pala si Cassius ang sisira sa kanyang peaceful highschool life. Ameli did not expect that in her final year of high school she would be entangled in so many misunderstandings that will give her hardships in maintaining her image. Cassius. Red Card. Ang dalawang iyan ang pinag-ugatan ng lahat ng problema ni Ameli. Ngunit ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi siya papadaig sa mga problemang dumarating sa buhay niya. Because she's Ameli Maddox, the SSG President of Elysian High.